Friday, March 18, 2011

Ang Talambuhay ni Westly Enriquez !!!!!

Ako at si Kuya Miko. :) 2 years old pa lang ako dito.
     Isinilang ako noong Octobre 11, 1991 sa bayan ng San Pablo. Ang aking magulang ay may 8 anak sila ay sila Miko, Mynaline at ako Westly, Cloudine, Clue, Nicole, Carlo. Pangatlo ako sa aming mag kakapatid. Ang aming pamilya ay may simpleng pamumuhay lamang. Ngunit ito ay puno nang pagmamahalan kaya kahit kami'y madami hindi alintana ang mga problemang  dumadating sa aming buhay . Nagagawan naman ito nang solusyon ng aming mga magulang. Napapalaki naman kami ng ayos at may takot sa Diyos kaya kami ay lumaki nang ganito.

     Nagsimula akong pumasok nang ako ay mag pitong taong gulang pero hindi ko pa gustong pumasok sa eskwelahan kaya ako ay tumigil sa pag-aaral. Dalawang taon din akong hindi pumasok ng Grade 1 kaya ako ay siyam na taon na ng ako ay nag Grade 2. Simula noon ay nag dare-daretso na ako sa pag pasok hahaha!!! 'Yon nga lang, lagi pa rin akong absent dahil ayoko talagang pumasok. haha. Noong bata ako, ako ay mahilig sa away kaya kada pag-uwi ko ako ay may bukol o 'di kaya ay sugat na bunga ng pakikipag-away ko. Pa-ulot kasi ang aking mga nakaka-away noon kaya hindi maiwasang ako'y mapikon at patulan sila.   

Kami ng aking Ate Mynaline. 3 years old na ako dito. :D

     Lumaki ako sa pangangalaga ng aking Lola sa Maglalang Subd. at dito na rin ako pumasok ng Grade 3 at ng Grade 4. Lumipat ako sa Alaminos dahil doon nakatira ang aking mga magulang. Nag-transfer ako sa San Agustin at doon na rin ako grumaduate ng Elementary. Nag 1st year high school ako sa Dizon at ng mag 2nd year naman ay lumipat ako sa Alaminos uli at nang mag 3rd year ay bumalik ako sa Dizon pero sa pagkakataong iyon ako ay nag-dropped na lang dahil sa ako ay nagkaroon ng kaaway. Sa aking pansamantalang pagtigil ay sumama ako sa aking Lolo Gener na architect. Sumama ako sa pagtatrabaho niya pero hindi ko alam na ganoon pala kahirap ang buhay ng isang trabahador. Hindi ka komportable sa tinutulugan mo. Hindi ka rin pwedeng mamili ng kakainin. Bago ka matulog eh gumagawa ka at pagkagising mo eh gumagawa ka pa rin. Napakahirap ng trabahong 'yun. Kaya pumasok na lang ulit ako at napagdesisyunan kong ipagpatuloy ko na lang ang aking pag-aaral.


Ang aking malaki at masayang pamilya. 4 years old ako dito.
Sila ang aking mga lola at mga tiyahin. :)


Ako ng ako ay apat na taong gulang. HAHA.
topless nga lang. XD
     






     Dito ulit ako nag 4th year sa Dizon. Kaya ngayon ay makakatapos na din ako sa wakas. "SANA" hahaha!!! Pero makakagraduate naman ako. Mahirap din ang mag high school. Sari-sari din ang mga naging problema ko na hindi lamang tungkol sa pag-aaral. Napakahirap gumising ng maaga. HAHAHA! Maraming problema ang dumarating sa buhay ko at kasama na din duon ang mga problema na dala ng aking buhay bilang isang teenager. hahaha!!!






Walong taong gulang na ako dito! :D


     Hahaha!!! ako ulit !!! SYEMPRE talambuhay ko nga ito ay !! hahaha!!! Marami akong naging karanasan ang hinding-hindi ko makakalimutan .. Pero lahat nang iyon ay nag-bigay sa akin nang magandang halimbawa at mga lesson na talagang nagturo sa 'kin. Masarap mabuhay at ang buhay haha ang gulo !!! . 'Yan ang aking talambuhay. Nakakatawa at nakakabagot pero lahat nang iyan ay ako. hahahah!!!!! SALAMAT!!!!


     Ngayon ay nakatira ako sa aking mga Lolo Gener at sila ang aking mga kasama sa bahay. Kasama ko rin ang aking mga pinsan at mga tiyahin sa bahay na 'yun. Kinuha ako ng aking Lolo para makasama niya. May sakit kasi siya sa puso kaya hindi siya pedeng mag-isa. Nasa Italy kasi ang asawa niyang si Lola Letty, kaya ako ang nag prisintang makasama niya. Mabait naman si Lolo sa akin.


     Hahaha! Meron na akong masasabing magandang buhay hindi man dahil sa yaman ngunit dahil sa mayaman ako sa pagmamahal. Lalo na nang dumating siya sa aking buhay. whaha!! WOW! pang telenobela ano? haha. pero siya ay si MEG. haha mabait at mapagmahal na tao 'yang si MEG kaya naman mahal na mahal ko din siya haha!!! oh! 'wag kang kiligin diyan haha !!! haha pinahirapan ako niyang babaeng 'yan sobrang taray at sobra nang supladahin haha!! pero hindi umubra sa karisma ko yong ugali niyang yon haha!!! ooopss!!! pero hindi pa kami huhuhu!!! :"< hindi pa daw s'ya ready kuno! hahaha!! gusto lang naman niya eh, legal kami sa kanila. pero 'wag ka't daig pa namin ang magdyowa sa paglalambingan namin hahah!!


hahahaha!!!!! THAT'S ALL. GOODBYE!!!! :D :) :3


AT ITO NA AKO NGAYON! haha. :3




 whahahahaha!!! PAALAM. :)

Sunday, February 20, 2011

This is Me ! Ang Talambuhay ni Ma. Katherine D. Rosales :))


This is me:)
Ako si Ma. Katherine D. Rosales isinilang ako noong ika-15 ng Marso, taong 1995 sa bayan ng Mayundon, Los BaƱos Laguna. Ang aking mga magulang ay may apat na supling, sina Ken, Khai, Koy at ang binso ay si Stephen. Ako ang pangalawa sa apat na magkakapatid at bunso sa babae.

            Ang aming pamilya ay nabibilang din sa mga may kayang pamilya.Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap. Ang aking ama ay isang empleyado sa gobyerno at ang aking ina naman ay isang simple at huwarang may bahay.

            Nang ako ay mag-apat na taon at nakikita kong pumapasok ang aking nakatatandang kapatid na babae sa eskwelahan ay nagtatanong ako sa pinapasukan ng aking kapatid. At ng magpasukan ako ay ipinasok nila sa pre-school sa central sa ilalim ni Mrs. Lily Beltran. Isang guro na siyang kilala rin ng aking pamilya.

Kinder Graduate
            At ika-18 ng Marso taong 2001 natapos ko ang unang  hakbang sa aking pag-aaral. At ng taon ding yun buwan ng Hunyo pumasok ako sa unang baiting ng elementary. Nag-aaral ako noon kasabay ang aking napakakulit na ugali. Na sa buong taon ay napagtiyagaan ng aking pangalawang magulang ay nagturo din ng iba pang magagandang asal na dapat ko pang matutuhan.

            Noong ako naman ay nasa ikalawang baitang ang panganay kong kapatid ay kasalukuyang ay magtatapos na ng elementary at ang aking kapatid na lalaki ay nasa unang hakbang ng kanilang pag-aaral.

            Habang ako ay pumapasok noon sa ikalawang baiting mas marami na akong nakilala na maituturing ko din naming mga kaibigan. Noon hindi ko na ginagawa ang mga nakaugalian kong mangulit sa aking guro. Dahil dun naging isa ako sa pinakagustong mag-aaral ng aking guro na si Bb. Amante.

            At kasalukuyang bakasyon noon, naghahanda ang aking mga magulang para sa paglipat sa Azcarate Mabini St. dahil sa hindi inaasahang hindi pagkakaintindihan ng aking ina at ng kanyang nakatatandang kapatid. Umalis kami sa tinitirahan namin noon na bahay ng lola ko sa Sta. Maria Magdalena. SPC. Naging maayos naman ang pagtira naming sa naturang lugar. Nagkaroon ng kakilala.

            Paglipas ng apat na buwan pinalipat kami ng kapatid ng aking ama sa kaniloang pagmamay-aring apartment sa Bagong Pook. Upang hindi na rind aw kami magbayad sa inuupahan naming bahay sa Mabini. Likas ng matulungin ang mga kapatid at tiyahin ng aking ama. Kahit hindi naming inaasahan ay parati silang ang andyan para umalalay. At may maitutulong naman ang aming pamilya ay hindi rin naman kami nagdadalawang-isip na tumulong. Sa simpleng pagsama sa kanila ay alam namin na nakatutulong din kami kahit papaano.
 
            Taong 2006 at nasa level na kami ng pagtatapos ng aking panganay na kapatid. Kinakailangang umalis at iwan kami pansamantala n gaming ina. Kailangan sityang mangibambayan upang magtrabaho at dagdagan ang kinikita n gaming ama. Umalis ang aming ina dala ang kasiguraduhang makatutulong siya sa mga pinansyal na pangangailangan ng pamilya at upang mas mabigyan kami ng magandang buhay.

            Sumapit ang pasko noon at sinalubong ang taong 2007 ng hindi siya kasama. Malungkot man pero alam namin na yun ang kailangan. Ipinaintindi naman sa amin ng aming mga magulang kung bakit kinakailngang mapalayo ang aming ina sa amin.
 
            At noon ngang nasa ika-6 na baitang na ako nagkaroon ako ng matatawag na admirer? Na kung tawagin kami noon ay “childhood sweetheart.. Subalit hindi ko pinansin ito dahil alam kong bata pa ako at hindi maganda na sa murang edad ko ay mayroon ng ganito. Itinuring ko siya bilang isa sa aking mga kaibigan. At hindi rin naman maipagkakaila na malapit siya sa aking mga kapatid. Lalo na sa aking ina dahil madalas din siyang pumunta sa bahay naming kasama ang mga matatalik kong kaibigan.

Triple K
            Taong 2007, nagtapos ako sa elementary kasabay ang pagtatapos ng aking panganay na kapatid sa high school at ang aking kapatid naman ay siyang mag-aaral para sa ikalimang baitang . Nang ibinalita iyon ng aking ama sa aming ina natutuwa siya at nagbubunga ang kanyang paghihirap sa ibang bayan.

            Noong ako ay first year high school na kinakailangan naman naming lumipat sa Quezon St. City Subd. na pag-aari din naman ng kapatid ng aking ama. Nang lumipat kami doon nagkaroon na naman ngmga bagong kakilala, bagong pakikisama at kung anu-ano pa. Kasalukuyan nga akong nag-aaral sa CLDDMNHS bilang first year student, nagkaroon ako ng mga  bagong kakilala. Naging kasama ko sa buong taon at sa unang taon ko sa paaralan ng Dizon High School. Nagkaroon din ako ng mga magagaling na guro tulad ni Mrs. Bautista, Mr. Calabia, Mrs. Juliano atbp.

            Second year student naman ako ng mapahiwalay ako sa mga nauna kong mga nagging kaibigan. Ngunit hindi naman nag-iba ang samahan naming, ganon pa rin kumbaga. At nagkaroon  naman ako ulit ng mga bagong kasama. Mga bagong kaibigan na hindi ko masasabing perpekto, kasamang hindi rin nagging magandang ehemplo sa bawat isa. Alam din naming na nadala lamang sa pagiging teenagers. Na natutunan kong lumiban sa klase ng walang dahilan o sa simpleng pagkacut ng klase. Dito ko rin naramdaman ang sinasabing “puppy love”. Sa level ng age ko nagkaroon ng ibang klaseng inspirasyon. Na nakilala sa pagiging textmate. Nakilala ko sa loob ng ilang buwan mabait ang magaling makisama pati na rin ang kanyang barkada.May mga panahon na magkakasama kaming lumiliban sa klase, kanya-kanyang dahilan pagnagkahulihan. Isang beses nahuli kami ng teacher naming noon na si Mrs. Hitosis, kanya-kanyang tago dahil takot mahuli at mapatawag ang kaniya-kaniyang magulang. Ngunit hindi pa rin kami nakaligtas nakita pa rin kami ni Mrs. Hitosis at noon nga ayaw kaming tanggapin sa kaniyang klase. Noon sadyang nakilala at nakita ko kung gaano kahigpit ang gurong iyon. Pero sa kabila noon napakagaling niyang magturo.

         3rd yr. highschool ako ng mapunta naman ako sa gurong kilala ko na nasa elem. p lang ako at yun ay si Mrs. Lydia Gonzales. Inakala ko na magiging madali lang at isa yun sa pagkakamali ko. Dahil hindi ko pala talaga kilala si Mrs. Gonzales. Pati ibang teachers lalo na si Ms. Lee. Ganoon pa din nagcucut ng klase at kung saan saan nagpupunta. Madalas din akong pagalitang ng aking magulang lalo na ang tatay ko. Madalas kasi akong umuwi ng gabi. Pagnapapgalitan laging grounded sa cellphone. Minsan sinasabi na ng nanay ko na mas sinisunod ko pa daw ang ibang tao kaysa sa kanila at minsan sinasabi nila na wala akong pinagkaiba sa ate ko. Dumating yung time na yung pinagkakatiwalaan akong tao ay siyang nagbigay na dahilan para masira ang tiwala ko at pagkakaibigan namin . At doon ko naisip na hindi pala talaga lahat ay pwedeng pagkatiwalaan sa lahat ng oras at bagay.
me and karen

       Nang mag4th yr. ako dalawang taon ng tigil sa pag aaral ang ate ko ngunit may trabaho naman ang pangatlo ko namang kapatid na lalaki ay nasa 2nd yr. highschool na at ang bunso naman ay tatlong buwan. Muli umalis na naman ang aking ina pagkalipas ng isang taon ng makabalik ang aking ama. 4th yr. nga ako at iba na namang seksyon ang  napuntahan ko. Magkakaroon na naman ng bagong kilala bagamat kilala na pero hindi sa ugali may mga pakikisamahan. Ako ay napasama sa barkadang masasabi na magandang ehemplo kahit may mga may topak minsan, mga palabiro, mga magaling makisama at iba pa . Noong una mayroon sa kanila ang akala ko ay hindi ko makakasundo at yun ay si Eden. Pero ngayon siya ang lagi kong kasama pati sina Lorenzo, Sharah, Karen, Lanie, Catamen, Escueta, Catapang, Badet, Dizon at ibp. Siguro sa kanila konatutunan magtino bukod sa magulang ko.
    Nito namang nakalipas na buwan ng nobyembre isang krisis ang dumating sa buhay ng pamilya. Napilitang umuwi ang aking ina dahil sa aking kapatid na nasa kasalukuyang noong nasa hospital. Ngunit isa pa ring dagok ang naranasan namin ng pumanaw ang kapatid ko. Isang taga paglingkod ng Diyos ang nawala. Ngunit sa napaka ikling buhay niyang iyon alam ng lahat na ginawa at ginamit niya sa makabuluhan. Pagkatapos ng dagok na iyon ipinangako ko sa sarili ko na sa bawat tagumpay ko ay hindi lang para sa magulang ko pati na rin sa kapatid ko na hindi nagawa ang gusto.

   Pagkatapos ko gusto ko maging professional maging businesswoman, chef at iba pa. Gusto ko magkaroon ng achievements na alam kong makakamit ko pag pinagsikapan ko . TAMA SILA! Si Sr. Lacsam at ang aking magulang na hindi pa huli ang lahat at marami pa akong magagawa sa buhay ko.

tres beauties :_
    Sa bawat yugto ng buhay ko maraming karanasan akong nadaanan. Iba't ibang kasama may mabuting kasama at may hindi. Ngayong nag sisikap akong makagraduate upang lahat ng pangarap ko ay matupad natuto din akong bumangon sa lahat ng kabiguan sa buhay.


          AT YAN ANG BUHAY KO!!
      SALAMAT PO ^_- 





 
 


   

Ang "MAKULAY" kong buhay !! - John Reyneil Cuevas

'lil me 
     Ako si John Reyneil Cuevas na ipinanganak noong ika dalawampu at dalawa sa taong isang libo siyam na raan siyam napu't apat.Isinilang ako sa Brgy.Del Remedio sa bayan ng san pablo.Ako ay pangalawa sa tatlong magkakapatid.Si Joseph Cristian Cuevas at Sarah Mae Cuevas ang mga kapatid ko at syempre si Gng.Venilda Cuevas,ang aking mapagmahal na ina at si ginoong Reynaldo Cuevas ang mga mapagmahal kong magulang.Sabi ni mama,noong isinilang daw ako ay ako ang pinakapayat sa aming tatlongunit pinakamaputi sa aming magkakapatid.Nedyo naapekyuhan lang ng init ng panahon kayamaitim na ! Makulitr daw ako,hindi ako napayag ng hindi ko nakukuha ang gusto ko noong ako ay maliit pa ayon sa aking ama at ina.Tulad ng karamihan sa bata ngayon,malaro ako at masalaw.Hindi ako nakukuntento ng walang naiyak sa mga kalaro ko sa buong maghapon,kaya naman lagi akong may kaaway sa amin.Syempre kapag away bata,walang iniisip kundi yung kaaway lang kaoag napapaaway.Kahit anong madampot ay maiisipang ipukol sa kaaway.


     Minsan nga,nangyari ang di inaasahang pangyayari,biniro ako ng pinsan ko.Hinibuan nya ako sa harap ng maraming tao at syenpre napahiya ako at nag-init ang ulo ko.Umakyat ang dugo ko sa ulo at di kawasa'y pinukpok ko ng pinggan sa ulo yung pinsan ko dahilan par isugod sa ospital putok at dugong dugo ang ulo nya.Nagsisi ako noong araw na yon.Bukod sa nakasakit ako,ay napalo pa ako ni papa.Dumaan ang ilang taon at medyo malaki na ako.Ang dating "jayr uhugin" , si boy tigas na ! Nagbago na ang lahat.Dati ay ikinukulong ako sa loob ng bahay pero hindi na ako napayag ng mga panahong labing isang taong gulang na ako.Naiinis nga ako kasi :tinitotoy " pa nila ako.Napapahiya ako sa mga kaklase ko noon pero ayos lang kasi hatid-sundo kami ng pagkain.Sa gulang kong yon,medyo nagbibinata kaya dyan na napasok ang away.Hindi ako naurong sa kahit kaninong elem.studentna kasing tanda ko at kahit matanda pa sa akin sa aming eskwelahan.Konting titigan,di pagkakaunawaan eh nauuwi sa suntukan.Mabait naman ako wag lang gagalitin ,at lalong masiyahin ako. 


     Natandaan ko din na na lahat kami pa-astigan,pa-gwapuhan para lang mapansin ng aming crush.Yung mga barkada ko seryodo na , para ngang mga tanga kasi mga bata pa naman kami ee gusto ng syotain ! Sabi ko nga di naman kayo mag-kakaige kasi di nyo pa naman alam ang magmahal ng babae. Kaya nag-focus kami sa graduation.mataas expectation ni mama saking grades kasi pilot section ako at may utak na gumagana,yun nga lang masalaw ako kaya mababa ang charracter grades ko.Sa awa naman ng diyos ay naka-graduate kami.Tuwang tuwa ako kasi mag hahayskul na ako !



My Family Picture
     Bakasyon na ! Family outing na naman kami ! Lahat ng kamag anak namin excites dahil may pa-swimming si papa na taon-taon nyang ginagawa dahil yon ang araw ng kanyang kapanganakan.Lahat ng kapamilya sa side na papa ay dapat dumalo at kahit sa side ni mama para marami , kasi pag mas marami, mas masaya ! Sabi ko nga sa sarili ko"sana ganto nalang kami lage kasi nakikita ko na ang lahat ay masaya at nagmamahalan." Sa wakas ! high school na ! dapat maayos na ako dahil wala na dapat makikita sakin na bakas ng pagkabata.Mas nagsipag ako sa pag-aaral ko.Sinikap kong maging isang mabuting mag-aaral.Tandang-tanda ko pa, sariwa pa sa aking isipan na minsan akong nagkaroon ng guro na napakagaling.Guro namin sya sa Filipino I.Ang gurong ito ay walang iba kundi si Mr.Dennis Lacsam.Humanga ako sa galing nyang magturo.Mabait , pero ISTRIKTO sya at bokod don,pag sya ang nagtuturo, ang klase ay nagigng masaya.Nasabi ko nga sa sarili ko, " naku ! mayroon na akong karibal sa pagandahang lalake !" Sariwang sariwa pa din sa isip ko noong naparusahan ako ni sir Lacsam.Pinagawa nya ako ng dalawampung saknong ng tula.Nahirapan ako nang sobrapero natapos ko ito dahil naituro naman nya nang ayos kung paano gumawa nang tamang tula. Hindi nga nya kami pinasali sa play ng IBONG ADARNA sa akdahilanang hindi ko parin alam hanggang sa nyayon kung bakit.


My Brother
     Sa pagdaan ng panahon,madami akong natutunan lalo na sa larangan ng pag-ibig.Minsan nga,may babae na nagbigay sakin ng inspirasyon.Hinahangaan ko sya.Gusto ko na kasama ko sya sa araw-araw dahil gusto ko syang makita para sumaya ako.Hindi naman problema ang nakita ko sya at makasama ko sya pero syempre may suliranin na dumating.Sasabihin ko na sana na mahal ko na syapero bigla itong niligawan ng kabarkada ko na lagi kong kasama.Imbis na mag-mukmok, pinabayaan ko ko nalang at nagbigay ako para di masira ang samahan naming magkaibigan.hindi ko na sinabi sa kanya yon hanggang sa ngayon.Ipinagpatuloy ko nalang ang buhay ko.Tapos na ulit ang pasukan,bakasyon ulit at naisipan naming magkaklase na mag-swimming.Lahat ay naghanda.May nagdala ng pagkain,sumagot sa jeep,may nalibre sa cottage.Sa garden of eden kami nag-swimming.Hindi masyadong masaya kasi merong di nakasama.






My Latest Picture
     Nagpatuloy ang buhay ko, 4th year na.Kabado na ako dahil ito na ang huling hakbang para makatapos ng hayskul.Isa ako sa estudyante ng 4-c . Di ko kinaya kasi napahiwalay ako sa mga barkada ko.Wala akong makausap noon.Para lang makasama ko sila , na-absent pa ako.Hindi ako pumayag na ako lang ang malungkot saming magbabarkada.Gumawa ako ng paraan para mapasama ako sa listahan ng 4-e.Nakiusap ako samga guro lalo na sina ma'am capina ,ma'am calanasan at si ma'am dadivas.Sabi nila di na pwede pero sumaya ako ng sabihin ni ma'am dadivas na lumipat na daw ako sa 4-e kinabukasan.Napangiti ako ,hindi ko inaasahan yon .Nabuhay ulit ang masiyahing si John Reyneil Cuevas.Pero di pa ako nakuntento,kelangan ko ng inspirasyon kaya humanap ng babae na mamahalin ko.Nakilala ko si "ARZEL PEREZ" .Napaka-cute nya at charming kaya nabihag nya agad ako.Niligawan ko sya at nagtagal ay ay nakamit ko rin ang matamis nyang "OO".Ako na yata ang pinakamasayang lalake noong araw na yon sa mundo.Sa ngayon,komplikado ang lahat para sa amin . My tampuhan,at awayan pero masaya parin naman.Sa ngayon,ang pinaghahandaan ko ay ang nalalpit naming graduation kaya naasa ako na sana makapagtapos kami lahat , lahat ng barkada at mahal ko sa high school. Gud luck nalang sa ating lahat !! :)


            My FUDGE!! :) (Arzel Perez) ♥♥♥ 


  siMpLy me !! _015 ♥♥♥ 

ANG TALAMBUHAY NI BERNADETTE ILAGAN

Baby Badzzzz
Ako si Bernadette Solis Ilagan, isinilang noong ika-15 ng Enero, 1995 sa Barangay Sta. Maria Magdalena, San Pablo City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Bernardo Balayong Ilagan at Myra Misyon Solis. Ang pagmamahalan ng aking mga magulang ay nagbunga ng anim na supling, sina Badeth, Byrron, Dick- Dick, Bingo, Benchcent, at Benelyn.

            Ang aking ama ay nagtitinda ng pandesal sa umaga at ang aking ina ay isang karaniwang may bahay. Ayon sa aking ina ako daw ay naglandi ng taeJ at laging napaka likot.Noong ako ay Kinder na sa paaralan ng San Juan Elementary School, napakahilig ko talagang maglaro kaya ako ay nagkagalis. Nagkapeklat ako sa mukha dahil sa kalikutan ko naglalaro kasi ng baseball ang aking mga pinsan eh nasa nga ako natamaan ako ng bat sa mukha kaya ako nagkapeklat. Nagkapeklat din ako sa may kanag braso, kasi naglalaro kami ng aking mga pinsan at mga kalaro ko ng apoy, bali naglalande kami. Sinindihan naming yung plastic ng apoy, aksidenteng naitapat ng kalaro ko yung plastic na may apoy, tapos yun tumulo yung  plastic sa may braso ko kaya yun nagkapeklat ako bale nagkeloy pa nga eh.L

With my twin sis
Missing?!




            Nag grade 1 na ako marami na akng nakikilalang mga bagong kaibigan. Lagi nalang akong inaasar ng aking ibang mga kaklaseng lalaki lalo na yung magpinsan na si RR at Gabriel tawag nila sakin ay Bernadette Sembrano..hehe.. Noong Grade 2 na ako may nakakilala na naman akong mga bagong kaklase. Natatandaan ko pa noon na kumain ako nang tsitserya na maanghang na samid ako tapos yun nagsuka ako may lobo pa nga yung suka ko eh..tapos pinutok ng kaklase kong si Victor..yuck..hehehe..J

            Yan Grade 3 na ako, di ang gugulo naming kapag kami ay iniiwan ng aming titser sa classroom. Kapag kami ay naabutan na magugulo at maingay, ay naku sapok ang inaabot naming sa aming guro na si Ma’am Dimaisip, pinupokpok kami ng libro isa-isa sa ulo, iyan napapala naming tuwing kami ay nag-iingay. Simula Grade 1 hanggang Grade 3 ang bababa ng aking marka. Noong ako ay naa Grade 4 na yan dyan na ako nagtino, dahil nagpapaimpres ako sa aking guro.hahaha.tumaas ang aking mga marka sa lahat ng subject, dahil sa magaling ang aming mg titser at ang aming substitute adviser na si Sir Percival Gutierrez, Sir Val ako maraming natutuhan nagging adviser ko ulit siya noong Grade 5, iyan ang hinding-hindi ko makakalimutan dahil sa rami  kong naranasan, noong kami ay nagpapraktis ng sayaw sa intrams,bali ako ako yung ako ako yung nagkkortwel apat kami eh nagkasabay kaming tumambling nung nasa unahan ko yun natamaan ako ng kanyang paa sa ulo. May masaya rin naman part nung nagkaroon ng bagong titser samin pangalan nya ay si Sir Leo Capili siya ang paborito kong titserang pogi nga nya eh.tapos lagi nya nga akong inaasar ng maliit eh minsan pa nga binubuhat nya ako ang liit ko kasi noon eh. Parang ako nga ang pinakababy ba..hehehe.. Hinding-hindi ko talaga makakalimutn ang naanasan ko noong Grade 5 ang saya-sayatalaga amin noong kami ay nagluto by groupings kanya-kanyang ambagan ang niluto pa nga naming noon ay spaghetti at potato fries tapos yung iba may sopas, pansit , adobo ang saya talaga nun pinicturan ng nga kamini Sir Leo noon eh, tapos nilagyan nya mg mga ulap na may lamang salita ko nakakatuwa nga eh..hehehe..J


GRADE SIX yan HA! :)
                         Grade 6 na ko medyomay pagkaisip bata pako noon, lagi kaming naglalaro ng mga kaklase ko sa classroom ng larong footstep iyo lagging paborito naming laruin, kahit andoon yung titser namin hindi kami pinapagalitan, ganon talaga kabait yung titser  na yun, pero pagmasyado na kaming maingay lalo na kapag may klase nagagalit ang titser naming na yun  ay si Ma’am Tarzona, bali principal na siys ngayon sa Paaralan ng Sta. Maria Magdalena. Kpag ng pala kami ay nageexam kung ilan ang mali mo ganoon din ang pal mo sa kamay minsan pa nga times 2 pa sa iskor eh. Halos magkaclose kaming lahat na magkakaklase, lagi kaming nagtutulungan. Ang nakakalungkot nga lang ay yung kailangan na naming maghiwahiwalay, ang Graduation ang kahulihulihan naming pagkikita dahil sa maghahihgschool na kami. Nakakalungkot isipin na mag kakahiwalayhiwalay na kami upang ipagpatuloy ang aming nasimulan sa buhay.L

            1st year na ako ang dami ko na naming makikilalang mga kaibigan tulad na lang nilaRubylyn siya angaking kauna-unahang nagging kaibigan, si Grace ang sumunod lagi ko siyang kasabay pauwi, at si Kevin. Ang section ko ay E bali 1-E ako noon . Ang aming adviser ay si Mrs. Brinas, Math teacher siya. Naju tuwing recess naming maaga palang ubos na baon ko, pamasahe na lang natitira ko, kaya pagdating n tanghali hindi ako  nakain ng lunch kasi wala na kong baon.

            2nd year section E, Dyan ko nakilala sina Lacap, Mean at sina Lanie Gay na nagging mga kaibigan ko. Si Mean ang bestfriend ko, mag katabi lang kami sa upuan nun matalino pa nga eh.. Kaya ako naiimpluwensyahan sa kanya, kaya noong 2nd quarter kasama ako sa topnotcher sa math..hehehe.. Hanggang 4th quarter.. Ganon talaga kapag may katabi kang matalino sa Math..Hahaha..

            3rd year section E ang hindi ko malilimutang taon dahil sa mababait ang aking mga kaklase ang adviser naming ay si Ma’am Baylon isang MAPEH teacher. Ang Hinding-hindi ko talagang malilimutan ay noong kami ay  nag-swimming ng kami mga classmatesfriends.J March 28, 2010, iyon ang araw a masaya kami na nagswimming sa countryside iyon ang ang kauna-unahang nakasama ko ang aking crush. Ang mga kasama naming noon ay sina George, Amiel, Reyneil, Mico, Michael, Jayson, Emerson, Eljay, Albert, Santiago, at si Odie at syempre papahuli pa ba naman dyan ang GOF na sina Silke, Nicole, Rubylyn, at syempre kasama ko. Akala naming hindi magiging masaya ang swimming naming iyon kasi kakaunti lang kami at hindi kasama ang buong klase pero kahit kakaunti kami nagging masaya din naman kami. Noong papauwi di ba naglalakad kami kasi wala pa yung sasakyan naming di iyon nga naglalakad kami nag endless love naman yung dalawa ni George at ni Silke sa kalsada naghabulan pa nga eh. Hay naku! Ang saya-saya talaga naming sana maulit muli yon.J

My Latest Picture
            4th year section E, iyan ang pinaka hihintay naming taon dahil sa nalalapit naming pagtatapos ng highschool marami na naman akong bagong nakilalang bagong mga kakalase nagkaroon ulit ako ng bagong bestfriend na si Polah, may pagkamarte pero mabait naman siya.hahaha. Ang saya nga pala ng JS naming noong February 11, 2011. Ang first dance ko nga noon ay si Eljay Luces na may pahed at ang last dance ko ay yung 4-A na si Edielito daw, ang pangalan…J 

            Sana in the future maging matagumpay ako sa lahat ng pagsubok sa aking buhay at makatapos ng pag-aaral. Hangad ko ang aking tagumpay sa aking buhay.hahaha…

Ang Talambuhay Ni Lorenzo Bontoc Roxas

This is ME!
Ako si Lorenzo Bontoc Roxas  na nakatira sa P.N.R Comp. #58 Brgy. II-C San Pablo City. Ako ay labing anim na taong gulang (16 years old) pinanganak noong Hulyo 12, 1994. Ang aking mga magulang ay si Lorenzo Bontoc Roxas at si Ma. Victoria Roxas. Ang aking tatay ay ditto sa San Pablo City lumaki dahil ditto sila nakatira. Sya ay minsan mabait, hindi sya kuripot o isang sabi mo lang sa kanya na may babayarin, gagawa sya ng paraan upang ito ay mabayadan. Ang aking nanay ay sa Pitogo, Quezon lumaki. Doon ay tabing dagat. Sya ay minsan mabait. Ayaw ko sa kanya ay bungangera at mainitin ang ulo. Ang kanyang natapos ng pag-aaral ay Cosmetology. Kahit ganon sya, mas gusto ko sya kaysa kay tatay. Kaya ditto napagpasyahan ng akong mga magulang na dito kami manirahan sa San Pablo. Kase delikado sa Pitogo, Quezon. Dahil tabing dagat doon. Ang sabi ng aking nanay, kaya daw ako payat ay lagi daw ako nakakagat ng aso. Dahil sa kakulitan ko at bibo daw ako noong bata. Natatandaan ko pa kapag naglalaba ang nanay. Lagi ko syang pinapanuod. Habang ako’y nakaupo sa isang bangkuan na may sandalan. Maya-maya ako’y tulog na. Sobrang bait ko daw nung bata. Bakit pa daw ako lumaki.




Birthday ni Sister!
Ako ay nag aral sa Kindergarten sa Brgy. II-D Day Care Center. Ang aking nagging guro noon ay si Mam Jocelyn Mangubat. Ang natatandaan ko pa ay nagging kakalse ko si Trina Bontoc Roxas kapatid ko. Lagi kaming napapagalitan dahil masyado kaming maingay. Dahil sa kaingayan., nabuwiset an gaming guro. Kaya hindi na ulit kami nag-ingay. Ang gagawin na ng aking guro ay lahat ng maingay ay lalagyan ng tape sa bunganga. Nang sumapit na ang graduation day, naghanda ang nanay ng simpleng pagsasalo-salo. Dahil dalawa lang kaming gagraduate. Ang kasama naming noon ay aming tatay.


Ang nagging guro ko noong Grade 5 ay si Mam Cosico. Sya ay mabait, maputi at maunawain. Ang mag nagging kaklase ko dito ay sina Jane Valerio, Jonas Otilla, Bernadette Reterdo, Allen Patrick Alforo, Drenn Owen Calingasan at si Arzel Perez ulit ang iba ay sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School pumasok. Ang gusto kong subject ay Math dahil nadadalian lang ako sa aming lecture ay umiikot lamang sa pera.

Ang nagging guro ko noong Grade 6 ay si Mam Dorado. Sya ay mataba, pandak, isrikto, mabait at minsan ay joker o nagpapasaya.




Pumunta kami ni nanay sa San Pablo Central School upang doon mag-aral ng elemntarya. Ang nagging guro ko noong Grade 1 ay si Mam Tabanggay. Sya ay isang istirktong guro. Kaya maraming bata ang takot sa kanya. Syempre, kasama ako doon. Kapag ang klase ay maingay, ang kanya lamang gagawin ay titingin lamang sa aming mga mata at bigla ng tatahimik. Ganun kami takot kay Mam Tabanggay. Tandang tanda ko pa noon pinaggawa kaagad kami ng watawat ng Pilipinas sa Typewriting tapos kukulayan lagging baliktad ang kulay na aking nagagawa. Kaya ang ginagawa ko ay nagpapagawa ako sa aking kakalse at kapit-bahay na si Srah Mae Sombillo. Sya ay matalinong bata na may pagkamakulet at maganda. Ang nagging guro ko nung Grade 2 ay si Mam Belen. Sya ay mabait, masipag magturo kahit kami ay maingay. Hindi kami pinapauwi nyan kapag kami ay hindi pa nakakabasa. Kaya iniisa isa kami upang matuto. Ang pinaka gusto kong nagnyari dyan ay noong Christmas party kami. Kasi nagpaalat sya ng tiglilimang piso Php5.00 at ako’y nakasimot g Php105.00 dahil dyan, bumalik ang aking pinang-exchange gift.

Ang guro mo naman noong Grade 3 ay si Mrs. Provido. Sya ay maganda, magaling magturo, mabait, matiyaga, at higit sa lahat mapagpasensya.
Ang nagging kakalse ko noon ay si Arzel Perez at kapit-bahay ko pa. Sya ay mabait, maganda kahit may kaunting kaitiman, bibo at matalino dahil sa katalinuhan nya lagi syang nasa topnotcher at lagi kaming umuuwi ng 5pm dahil napasarap kami sa paglalaro.


Arzel: BFF ko nung elementary
Ang nagging guro ko naman nung Grade 4 ay si Mam Mojica. Sya ay mabait, maganda at higit sa lahat malambing. Dito lagi na akong nakabinaloy o kaya pag minsan binibigyan na lang ako ng labis nap era upang sa skul na lang kumain. Dito napasali ako sa topnotcher top 6 ako sa aming klase. Ang natutunan ko dito ay mag-ipon ng pera pag marami akong natirang pera hinuhulughulgan ang mga bayarin dahil dyan natapos ko ang mga bayadin nang sa baon ko lamang kinukuha.












Yan din BFF ko. Jane
Dito mas dumami ang mga kaibigan ko pero ang nagging pinakamatagal kong nagging kaklase ay si Jane Valerio. Sya ay maitim, pero maganda, makulit. Kahti madaling araw na, magkasama pa rin kami. Nakatambay kami sa kanto. Minsan nang-aaway kami ng mga bata dahil kaya nagagawa naming ayan dahil kapit-bahay ko din. Tuwing recess, lagi kaming naglilibrehan ng kaklase kong si Michael Briones. Kapag ako ang manlilibre lagi syang present o hindi sya umaabsent. Kapag sya ang manlilibre lagi syang absent kaya kinabukasan hindi ko na ulit sya nilibre dahil dinuduga nya lang ako. Nang dumating ang araw ng Graduation. Habang ang mga bata ay sobrang saya. Ako lang ata ang malungkot. Dahil hindi pumunta ang mga magulang ko. Ang nanay ko nagluluto upang pagkatapos ng Graduation day ay may makakain. Ang tatay ko naman ay nasa Recognition day ni Trina.

Isinama ako ni nanay sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang nanay ko ay may hinahanap ayun pala ay si Gng. Audije. Si Gng. Audije ay ninang nina nanay sa kasal. Nagtanong si nanay kung pwede magawan ako ng paraan upang mapabilis ang aking pag-eenroll.

JS prom noong 2009
Nang araw ng pasukan, nalaman ko na ang aking section. Ako ay section E. Ang aking nagging guro noon ay si Mam Brinas. Sya ay magaling magbigay ng payo. Magaling magtuo at mabait. Dito sa first year kaklase ko na ulit si Jane Valerio. Syempre nagging masaya na ulit kami dahil unang pasukan palang ay napagalitan agad kami. Ang mga kaklase ko ay masyadong magagaslaw kaya ang ibang guro sa amin ay sumusuko.

Ang nagging guro ko noon second year ay si Mam Rivera na sa ngayon ay si Mam Dioso na. Sya ay istrikto, magaling maguro, minsan mabait at masipag. Sobrang kulit ng mga kaklsae ko ditto ay kay araw-araw ay hindi pwedeng hindi kami masesermunan. Gusto kong subject ay Math dahil magaling na guro ang nagtutro sa aminsi Sir Mission. Kaya madali lang namin nakuha ang mga sinasabi nya.

Nang ako’y third year si Mam Baylon ng M.A.P.E.H ang amin naging guro. Sya ay napakabait at magaling magturo. Lagi syang galit sa amin dahil sobrang ingay naman. Ang pinakausto kong subject ay T.L.E dahil lagi kaming nagbabake. Ang dadalhin lang naman ay Aipron, Towel at bente pesos para sa ingredients. Ang nagging pinaka close ko dito ay KSM na sina Jane Valerio, Jandale Hernandez, Alyssa Mae Santos, Mary Joy Sagala, Eunice Fule, Jehanne Macatangay, Luvelyn Quibral, at si si Giselle Sacdalan. Inenjoy ko lang mana ang 3rd year. Kaya ang sabi ko pag-iigihan ko sa 4th year. Hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko noong 3rd year. Dahil ang mga ginawa ko noon ay lagi na akong alas nuwebe na pumasok imbes na alas syete. Kaya nagtaka ako na pasa ako sa 1st at 2nd subject.
Class picture noong 2009



Bago mag pasukan kaming mga member ng libot ay gumawa ng isang grupo na ang pangalan ay DHOOQUEZA. Sila ay sina Ara Pedraja, Sherilyn Siazon, Arzel Perez, Arelle Perez, Trina Roxas, Ejhay Gonzales, Martin Benitez, Marky Bamba, Charisse Anne S. Roxas, Janine Repuela, Maricar Roxas, Sarah Mae Sombillo at syempre ako ang pinaka maganda sa DHOOQUEZA itong barkadang ito ay open kang sabihin ang gusto mong sabihin dahil lahat ng member nito ay puro prengka pero lahat sila ay mapag kakatiwalaan kaya mahal na mahal ko itong grupo na to.

Nang akoy 4th year na. Ito ang pinakagusto ko. Dahil dito pinag-igihan ko talaga kaya sa pag-iigi ko, nung 1st grading nagging top 8 ako sa kakaunting line of seven. Nung 2nd grading naging top 4 ako. Dahil iisa lang ang line ofg seven ko. Ang aking nagging guro dito ay si Mam Calanasan. Sya ay mabait, magaling magturo, matiyaga at ang pinakagusto ko ay mapagpasensya. Ang mga kaibigan ko dito sa 4th year ay sina Eden Joy caguite, Shonah Luna, Christina Cataman. Ma. Katherine Rosales, Lanie Gay Puhane, Bernadette Ilagan, Paul John Francis Lacap, Giselle Sacdalan, Jehanne Macatangay, Karen Samsaman, Nicole Escueta, Rubilyn Guirina, Rose Mae Tapay. At halos lahat kaklase ko. Tuwing tanghali an gaming laging gagawin kapag ang isa ay ayaw kumain ng kanin magsasandwich nalang kami na may juice. Kapag oras na ng uwian sabay-sabay kaming pupunta sa 4D at mag papaalam na mauuna kami. Tas ang iba ay naghihintay kagay ni Nicole Escueta na hinihintay si Rubilyn. Si Karen naman ang hinihintay ay ang pinakamamahal nya si Jonas. At ang iba pa naming kaibigan.

TAGAY! :D
Ang pinakagusto kong subject ay Math. Dahhil magaling ang nagtuturo, si Mam Davidas. Sya ang masyadong mabait para lang naming syang kaklase. Lagi syang galit noong 1st grading . ako ay Group 6 sa likod walang maintindihan. Dahil malakas pa ang ingay kaysa sa sinasabi ni Mam. Kaya ang ginagawa ko noong 2nd grading ay humihigit ako nang unpuan at sa unahan ko ilalagay. Sa ginawa kong yun naintindihan ko na. Kaya kasali ako sa top sa Math. Sa T.L.E ang guro naman namin ay si Mam Aquino na sobrang bait at para lamang sya namin kabarkada dahil madalas nakikipagbiruan kami sa kanya at ang taas pa nagbigay ng Garde. Dito sa subject na ito kahit hindi ko alam na matututo akong gumuhit at natuto akong magsulat ng iba’t-ibang istilo. Kapag araw ng Miyerkules ay ang guro namin ay si Mr. Lacsam. Sya ay mabait, palabiro at ang lagi nya sinasabi GWAPO daw sya. Madami akong natutunan dito. Natuto akong gumawa ng G-mail at Blog. Gusting-gusto ko sya magkwento dahil mas lalo itong gumaganda dahil sa kanyang pagbigkas. Napaka galing nyang bumigkas.Sana maging successful ako sa tatahakin kong buhay.



My Niece


Ito lang naman ang maganda kong pamangkin na nag ngangalang Princess Nicole Roxas . Sya ay anak ng kapatid kong nagngangalang Mark Lorenz Roxas. Sya ay hindi mabuting kuya dahil masyadong mabigat ang kanyang kamay at ayaw ko sa kanya. Ang ganda ganda ng pamangkin ko no kahit ayaw ko sa kuya ko inaalagaan ko sya kapag walang nag aalaga sa kanya ako ang mag aalaga kapag minsan nga napapatulog ko sya napakabait nan pero ang ayaw ko dyan ayaw nyang sumama sa hindi nya kakilala