Friday, March 18, 2011

Ang Talambuhay ni Westly Enriquez !!!!!

Ako at si Kuya Miko. :) 2 years old pa lang ako dito.
     Isinilang ako noong Octobre 11, 1991 sa bayan ng San Pablo. Ang aking magulang ay may 8 anak sila ay sila Miko, Mynaline at ako Westly, Cloudine, Clue, Nicole, Carlo. Pangatlo ako sa aming mag kakapatid. Ang aming pamilya ay may simpleng pamumuhay lamang. Ngunit ito ay puno nang pagmamahalan kaya kahit kami'y madami hindi alintana ang mga problemang  dumadating sa aming buhay . Nagagawan naman ito nang solusyon ng aming mga magulang. Napapalaki naman kami ng ayos at may takot sa Diyos kaya kami ay lumaki nang ganito.

     Nagsimula akong pumasok nang ako ay mag pitong taong gulang pero hindi ko pa gustong pumasok sa eskwelahan kaya ako ay tumigil sa pag-aaral. Dalawang taon din akong hindi pumasok ng Grade 1 kaya ako ay siyam na taon na ng ako ay nag Grade 2. Simula noon ay nag dare-daretso na ako sa pag pasok hahaha!!! 'Yon nga lang, lagi pa rin akong absent dahil ayoko talagang pumasok. haha. Noong bata ako, ako ay mahilig sa away kaya kada pag-uwi ko ako ay may bukol o 'di kaya ay sugat na bunga ng pakikipag-away ko. Pa-ulot kasi ang aking mga nakaka-away noon kaya hindi maiwasang ako'y mapikon at patulan sila.   

Kami ng aking Ate Mynaline. 3 years old na ako dito. :D

     Lumaki ako sa pangangalaga ng aking Lola sa Maglalang Subd. at dito na rin ako pumasok ng Grade 3 at ng Grade 4. Lumipat ako sa Alaminos dahil doon nakatira ang aking mga magulang. Nag-transfer ako sa San Agustin at doon na rin ako grumaduate ng Elementary. Nag 1st year high school ako sa Dizon at ng mag 2nd year naman ay lumipat ako sa Alaminos uli at nang mag 3rd year ay bumalik ako sa Dizon pero sa pagkakataong iyon ako ay nag-dropped na lang dahil sa ako ay nagkaroon ng kaaway. Sa aking pansamantalang pagtigil ay sumama ako sa aking Lolo Gener na architect. Sumama ako sa pagtatrabaho niya pero hindi ko alam na ganoon pala kahirap ang buhay ng isang trabahador. Hindi ka komportable sa tinutulugan mo. Hindi ka rin pwedeng mamili ng kakainin. Bago ka matulog eh gumagawa ka at pagkagising mo eh gumagawa ka pa rin. Napakahirap ng trabahong 'yun. Kaya pumasok na lang ulit ako at napagdesisyunan kong ipagpatuloy ko na lang ang aking pag-aaral.


Ang aking malaki at masayang pamilya. 4 years old ako dito.
Sila ang aking mga lola at mga tiyahin. :)


Ako ng ako ay apat na taong gulang. HAHA.
topless nga lang. XD
     






     Dito ulit ako nag 4th year sa Dizon. Kaya ngayon ay makakatapos na din ako sa wakas. "SANA" hahaha!!! Pero makakagraduate naman ako. Mahirap din ang mag high school. Sari-sari din ang mga naging problema ko na hindi lamang tungkol sa pag-aaral. Napakahirap gumising ng maaga. HAHAHA! Maraming problema ang dumarating sa buhay ko at kasama na din duon ang mga problema na dala ng aking buhay bilang isang teenager. hahaha!!!






Walong taong gulang na ako dito! :D


     Hahaha!!! ako ulit !!! SYEMPRE talambuhay ko nga ito ay !! hahaha!!! Marami akong naging karanasan ang hinding-hindi ko makakalimutan .. Pero lahat nang iyon ay nag-bigay sa akin nang magandang halimbawa at mga lesson na talagang nagturo sa 'kin. Masarap mabuhay at ang buhay haha ang gulo !!! . 'Yan ang aking talambuhay. Nakakatawa at nakakabagot pero lahat nang iyan ay ako. hahahah!!!!! SALAMAT!!!!


     Ngayon ay nakatira ako sa aking mga Lolo Gener at sila ang aking mga kasama sa bahay. Kasama ko rin ang aking mga pinsan at mga tiyahin sa bahay na 'yun. Kinuha ako ng aking Lolo para makasama niya. May sakit kasi siya sa puso kaya hindi siya pedeng mag-isa. Nasa Italy kasi ang asawa niyang si Lola Letty, kaya ako ang nag prisintang makasama niya. Mabait naman si Lolo sa akin.


     Hahaha! Meron na akong masasabing magandang buhay hindi man dahil sa yaman ngunit dahil sa mayaman ako sa pagmamahal. Lalo na nang dumating siya sa aking buhay. whaha!! WOW! pang telenobela ano? haha. pero siya ay si MEG. haha mabait at mapagmahal na tao 'yang si MEG kaya naman mahal na mahal ko din siya haha!!! oh! 'wag kang kiligin diyan haha !!! haha pinahirapan ako niyang babaeng 'yan sobrang taray at sobra nang supladahin haha!! pero hindi umubra sa karisma ko yong ugali niyang yon haha!!! ooopss!!! pero hindi pa kami huhuhu!!! :"< hindi pa daw s'ya ready kuno! hahaha!! gusto lang naman niya eh, legal kami sa kanila. pero 'wag ka't daig pa namin ang magdyowa sa paglalambingan namin hahah!!


hahahaha!!!!! THAT'S ALL. GOODBYE!!!! :D :) :3


AT ITO NA AKO NGAYON! haha. :3




 whahahahaha!!! PAALAM. :)

No comments:

Post a Comment