Sunday, February 20, 2011

This is Me ! Ang Talambuhay ni Ma. Katherine D. Rosales :))


This is me:)
Ako si Ma. Katherine D. Rosales isinilang ako noong ika-15 ng Marso, taong 1995 sa bayan ng Mayundon, Los Baños Laguna. Ang aking mga magulang ay may apat na supling, sina Ken, Khai, Koy at ang binso ay si Stephen. Ako ang pangalawa sa apat na magkakapatid at bunso sa babae.

            Ang aming pamilya ay nabibilang din sa mga may kayang pamilya.Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap. Ang aking ama ay isang empleyado sa gobyerno at ang aking ina naman ay isang simple at huwarang may bahay.

            Nang ako ay mag-apat na taon at nakikita kong pumapasok ang aking nakatatandang kapatid na babae sa eskwelahan ay nagtatanong ako sa pinapasukan ng aking kapatid. At ng magpasukan ako ay ipinasok nila sa pre-school sa central sa ilalim ni Mrs. Lily Beltran. Isang guro na siyang kilala rin ng aking pamilya.

Kinder Graduate
            At ika-18 ng Marso taong 2001 natapos ko ang unang  hakbang sa aking pag-aaral. At ng taon ding yun buwan ng Hunyo pumasok ako sa unang baiting ng elementary. Nag-aaral ako noon kasabay ang aking napakakulit na ugali. Na sa buong taon ay napagtiyagaan ng aking pangalawang magulang ay nagturo din ng iba pang magagandang asal na dapat ko pang matutuhan.

            Noong ako naman ay nasa ikalawang baitang ang panganay kong kapatid ay kasalukuyang ay magtatapos na ng elementary at ang aking kapatid na lalaki ay nasa unang hakbang ng kanilang pag-aaral.

            Habang ako ay pumapasok noon sa ikalawang baiting mas marami na akong nakilala na maituturing ko din naming mga kaibigan. Noon hindi ko na ginagawa ang mga nakaugalian kong mangulit sa aking guro. Dahil dun naging isa ako sa pinakagustong mag-aaral ng aking guro na si Bb. Amante.

            At kasalukuyang bakasyon noon, naghahanda ang aking mga magulang para sa paglipat sa Azcarate Mabini St. dahil sa hindi inaasahang hindi pagkakaintindihan ng aking ina at ng kanyang nakatatandang kapatid. Umalis kami sa tinitirahan namin noon na bahay ng lola ko sa Sta. Maria Magdalena. SPC. Naging maayos naman ang pagtira naming sa naturang lugar. Nagkaroon ng kakilala.

            Paglipas ng apat na buwan pinalipat kami ng kapatid ng aking ama sa kaniloang pagmamay-aring apartment sa Bagong Pook. Upang hindi na rind aw kami magbayad sa inuupahan naming bahay sa Mabini. Likas ng matulungin ang mga kapatid at tiyahin ng aking ama. Kahit hindi naming inaasahan ay parati silang ang andyan para umalalay. At may maitutulong naman ang aming pamilya ay hindi rin naman kami nagdadalawang-isip na tumulong. Sa simpleng pagsama sa kanila ay alam namin na nakatutulong din kami kahit papaano.
 
            Taong 2006 at nasa level na kami ng pagtatapos ng aking panganay na kapatid. Kinakailangang umalis at iwan kami pansamantala n gaming ina. Kailangan sityang mangibambayan upang magtrabaho at dagdagan ang kinikita n gaming ama. Umalis ang aming ina dala ang kasiguraduhang makatutulong siya sa mga pinansyal na pangangailangan ng pamilya at upang mas mabigyan kami ng magandang buhay.

            Sumapit ang pasko noon at sinalubong ang taong 2007 ng hindi siya kasama. Malungkot man pero alam namin na yun ang kailangan. Ipinaintindi naman sa amin ng aming mga magulang kung bakit kinakailngang mapalayo ang aming ina sa amin.
 
            At noon ngang nasa ika-6 na baitang na ako nagkaroon ako ng matatawag na admirer? Na kung tawagin kami noon ay “childhood sweetheart.. Subalit hindi ko pinansin ito dahil alam kong bata pa ako at hindi maganda na sa murang edad ko ay mayroon ng ganito. Itinuring ko siya bilang isa sa aking mga kaibigan. At hindi rin naman maipagkakaila na malapit siya sa aking mga kapatid. Lalo na sa aking ina dahil madalas din siyang pumunta sa bahay naming kasama ang mga matatalik kong kaibigan.

Triple K
            Taong 2007, nagtapos ako sa elementary kasabay ang pagtatapos ng aking panganay na kapatid sa high school at ang aking kapatid naman ay siyang mag-aaral para sa ikalimang baitang . Nang ibinalita iyon ng aking ama sa aming ina natutuwa siya at nagbubunga ang kanyang paghihirap sa ibang bayan.

            Noong ako ay first year high school na kinakailangan naman naming lumipat sa Quezon St. City Subd. na pag-aari din naman ng kapatid ng aking ama. Nang lumipat kami doon nagkaroon na naman ngmga bagong kakilala, bagong pakikisama at kung anu-ano pa. Kasalukuyan nga akong nag-aaral sa CLDDMNHS bilang first year student, nagkaroon ako ng mga  bagong kakilala. Naging kasama ko sa buong taon at sa unang taon ko sa paaralan ng Dizon High School. Nagkaroon din ako ng mga magagaling na guro tulad ni Mrs. Bautista, Mr. Calabia, Mrs. Juliano atbp.

            Second year student naman ako ng mapahiwalay ako sa mga nauna kong mga nagging kaibigan. Ngunit hindi naman nag-iba ang samahan naming, ganon pa rin kumbaga. At nagkaroon  naman ako ulit ng mga bagong kasama. Mga bagong kaibigan na hindi ko masasabing perpekto, kasamang hindi rin nagging magandang ehemplo sa bawat isa. Alam din naming na nadala lamang sa pagiging teenagers. Na natutunan kong lumiban sa klase ng walang dahilan o sa simpleng pagkacut ng klase. Dito ko rin naramdaman ang sinasabing “puppy love”. Sa level ng age ko nagkaroon ng ibang klaseng inspirasyon. Na nakilala sa pagiging textmate. Nakilala ko sa loob ng ilang buwan mabait ang magaling makisama pati na rin ang kanyang barkada.May mga panahon na magkakasama kaming lumiliban sa klase, kanya-kanyang dahilan pagnagkahulihan. Isang beses nahuli kami ng teacher naming noon na si Mrs. Hitosis, kanya-kanyang tago dahil takot mahuli at mapatawag ang kaniya-kaniyang magulang. Ngunit hindi pa rin kami nakaligtas nakita pa rin kami ni Mrs. Hitosis at noon nga ayaw kaming tanggapin sa kaniyang klase. Noon sadyang nakilala at nakita ko kung gaano kahigpit ang gurong iyon. Pero sa kabila noon napakagaling niyang magturo.

         3rd yr. highschool ako ng mapunta naman ako sa gurong kilala ko na nasa elem. p lang ako at yun ay si Mrs. Lydia Gonzales. Inakala ko na magiging madali lang at isa yun sa pagkakamali ko. Dahil hindi ko pala talaga kilala si Mrs. Gonzales. Pati ibang teachers lalo na si Ms. Lee. Ganoon pa din nagcucut ng klase at kung saan saan nagpupunta. Madalas din akong pagalitang ng aking magulang lalo na ang tatay ko. Madalas kasi akong umuwi ng gabi. Pagnapapgalitan laging grounded sa cellphone. Minsan sinasabi na ng nanay ko na mas sinisunod ko pa daw ang ibang tao kaysa sa kanila at minsan sinasabi nila na wala akong pinagkaiba sa ate ko. Dumating yung time na yung pinagkakatiwalaan akong tao ay siyang nagbigay na dahilan para masira ang tiwala ko at pagkakaibigan namin . At doon ko naisip na hindi pala talaga lahat ay pwedeng pagkatiwalaan sa lahat ng oras at bagay.
me and karen

       Nang mag4th yr. ako dalawang taon ng tigil sa pag aaral ang ate ko ngunit may trabaho naman ang pangatlo ko namang kapatid na lalaki ay nasa 2nd yr. highschool na at ang bunso naman ay tatlong buwan. Muli umalis na naman ang aking ina pagkalipas ng isang taon ng makabalik ang aking ama. 4th yr. nga ako at iba na namang seksyon ang  napuntahan ko. Magkakaroon na naman ng bagong kilala bagamat kilala na pero hindi sa ugali may mga pakikisamahan. Ako ay napasama sa barkadang masasabi na magandang ehemplo kahit may mga may topak minsan, mga palabiro, mga magaling makisama at iba pa . Noong una mayroon sa kanila ang akala ko ay hindi ko makakasundo at yun ay si Eden. Pero ngayon siya ang lagi kong kasama pati sina Lorenzo, Sharah, Karen, Lanie, Catamen, Escueta, Catapang, Badet, Dizon at ibp. Siguro sa kanila konatutunan magtino bukod sa magulang ko.
    Nito namang nakalipas na buwan ng nobyembre isang krisis ang dumating sa buhay ng pamilya. Napilitang umuwi ang aking ina dahil sa aking kapatid na nasa kasalukuyang noong nasa hospital. Ngunit isa pa ring dagok ang naranasan namin ng pumanaw ang kapatid ko. Isang taga paglingkod ng Diyos ang nawala. Ngunit sa napaka ikling buhay niyang iyon alam ng lahat na ginawa at ginamit niya sa makabuluhan. Pagkatapos ng dagok na iyon ipinangako ko sa sarili ko na sa bawat tagumpay ko ay hindi lang para sa magulang ko pati na rin sa kapatid ko na hindi nagawa ang gusto.

   Pagkatapos ko gusto ko maging professional maging businesswoman, chef at iba pa. Gusto ko magkaroon ng achievements na alam kong makakamit ko pag pinagsikapan ko . TAMA SILA! Si Sr. Lacsam at ang aking magulang na hindi pa huli ang lahat at marami pa akong magagawa sa buhay ko.

tres beauties :_
    Sa bawat yugto ng buhay ko maraming karanasan akong nadaanan. Iba't ibang kasama may mabuting kasama at may hindi. Ngayong nag sisikap akong makagraduate upang lahat ng pangarap ko ay matupad natuto din akong bumangon sa lahat ng kabiguan sa buhay.


          AT YAN ANG BUHAY KO!!
      SALAMAT PO ^_- 





 
 


   

1 comment: