Saturday, February 19, 2011

Great Stories Unfold: Ang Talambuhay ni Christiana Denisse Galang IV-E


2years old ME :)
Isinilang ako noong Hulyo 19, 1994. Bunga ng mabuti at pagsasamahan ng aking mga magulang na si Richard na tubong Bisaya at Imelda na mula Laguna. Ayon sa mga nakakaalam, mula sa “Sy” na angkan ang aking tatay kaya’t may dugong Intsik kami.

20 years old palang si Mommy nung nanganak sakin. Dun kami tumira sa aparment ng amig lola. Studio type lang yun kaya’t di rin kami nagtagal dun at lumipat kami sa bahay ng dating lola ni Mommy na namatay na. Pagkalipas ng ilang buwan ay siguro, lumipat na ulit kami sa may Pampanga. Dun kasi ang trabaho ng aking Daddy na nageexport ng mga furitures na business ng aking lolo’t lola. Dun na rin ako inabutan ng aking first birthday at dun na rin ako bininyagan. Meron akong mas nakakatandang kapatid. Babae rin siya at ‘di kami nagkakalayo g edad. Charmhelle Mari ang pangalan niya at ang nickname niya ay Star.

            Noong baby pa ako, Cring-cring ang dapat na nickname ko, (pinaiksing Christiana) pero kumontra ang lola ko kasi parang may kling-kling daw sa utak kapag ganun. J Kaya nag-isip sila Mommy ng bagong nickname ko. Habang nag-iisip sila ay narinig nila na tinawag ako ni Ate Star na quin-quin kasi hindi niya mabigkas ang “c” at “r”. Kaya’t nagkaroon ng ideya si Mommy na Queen nalang daw aking nickname. Simula nun, Queen na ang tawag nilang lahat sakin. :D

            Isang araw, naglilinis daw nun si Mommy ng kwarto namin habang ako ay naglalaro sa aking walker. Nakadiaper pa daw ako nun pero nahulog parin daw yung t*e ko. =)))) Nakita daw ni Mommy na parang may kisses at inamoy ang hininga ko. Yun pala ay nakaen ko na ito. =)))) Kaya dali-daling tinoothbrushan ako ni Mommy ng ilang beses hanggang sa mawala ang amoy. 

            Mga two o three years old na ako nung bumalik kami sa Laguna. Nakatira kami nun sa town house. Sa Villa Millagrosa, San Vicente, San Pedro, Laguna. Nung mga time na yun, mejo may malay na ako kaya alam ko na ang nangyayari sa paligid ko nun. Pero hindi lahat ay natatandaan ko. Basta ang alam ko nun eh, favorite ko si Alice In Wonderland at buong magdamag ay paulit-ulit naming yun pinapanood. Halos makabisado na nga ni Mommy yun eh. :D Minsan lang kami ni Ate lumabas ng bahay kasi wala rin ata kaming kapitbahay na bata nun. Hindi rin kasi kami yung tipong palalabas ng bahay at naglalaro sa kalye at mahiyain kami noon.

Me with ATE! :D
            Meron kaming yaya noon. Ate Olive ang pangalan niya. Mabaet naman siya samin at napamahal na rin kami sakanya. Isang gabi ay wala pa si Mommy. (pinagpatuloy niya noon ang pga-aaral niya sa STI) May dumating na dalawang lalaki. Akala namin ni Ate kung sino na. Yun pala, mga manliligaw pala ng aming yaya. Pinag-aagawan siya nun. Oh ang haba ng hair diba? J Hahahaha. Kaya pinapunta niya kami sa kwarto sa taas, pero hindi niya alam na sumisilip padin kami sa bintana. Bigla kaming nakarinig ng putok. Akala namin ni Ate kung ano. Nagbabarilan lang naman pala yung dalawang lalaki na yun. Pagtaas ni Ate Olive, umiiyak ito at tinanong naming kung anung problema pero hindi niya kami sinagot. Siguro ay masyadong kumplikado pa samin ang mga bagay-bagay dahil mga bata pa kami at wala pang muang sa mundo.

Kamuka ko na yung rabbit ko =))
            Naalala ko rin ang unang-una kong nagging pet. Binilan kami noon ni Daddy ng rabbit. Tig-isa kami ni Ate para daw ‘di malungkot ta para na din, hindi kami mag-away. Alagang-alaga namin yun. Araw-araw ay chinecheck namin at binibigyan ng tubig at pagkain. Hanggang sa namatay ang rabbit ko. L Lungkot na lungkot ako nung araw nay un. At simula nun, nanghina na rin ang rabbit ni ate. Ayaw nito kumain at halos di narin nagalaw. ‘Di rin nagtagal, namatay din ito. Kaya wala na kaming rabbit pareha.

            Tuwing weekends, bumibisita kami sa Better Living. Doon kasi nakatira ang lola namin, pati na rin ang pinsan namin. Isa itong lalaki at nag-iisang anak ng aking Tita. Kasing edad ko rin at ka-vibes namin ni Ate. Naawa nga ako sakanya eh. Wala kasi siyang kalaro sa bahay kundi kami. Meron din kaming mga kaibigan sa labas ng bahay at halos puro lalaki ito. Madalas kaming maglaro ng ice water, patintero, racing at kung anu-ano pa. Pinakagusto namin ang pagbibike. Parang lalaki ako nun kumilos kasi puro lalaki rin ang kalaro ko.

            Isang beses nung bumili kami ng Krim Stix sa tindahan na kapitbahay namin, tinahula kami ng aso. At FYI, bulldog yun ha. Syempre nung una palang ay kinabahan na kami at nung pangalawang tahol ay hinabol na kami. Tumakbo ko ng mabilis at ganun din ang pinsan ko. Akala ata ng aso buto kami. Sa awa ng Diyos, nakatakbo ko ng mabilis at nakapasok kaagad sa bahay. Akala naming nung mga oras nay un eh magiging dog food na kami. Pano ba naman, buto’t balat kami nun. J Hehehehe.

            Nung bata pa ako, sabik na sabik na ako pumasok ng school nun. Pano kasi, ako at si Ate Olive lang ang naiiwan sa bahay nung pumasok na si Ate Star sa school. SImula nun, napakalungkot ko at palagi lang akong tulog sa kwarto o kaya nanunuod ng tv. Naalala ko tuloy yung mga rabbit. K Kaya tuwing darating si Ate galling school ay tuwang-tuwa na ako at bumabalik na ang aking sigla. At doon nagsimula ang pagiging curious ko sa school at kung anong meron dun sa lugar na yun.

            Four years old ako nung nagsimula akong pumasok sa Amazing Grace School. Dun ako nag nursery at kinder. Nung nandun ako, hindi ako nagsasalita nun sa classroom. Kaya naman sabi ng Adviser ko nun kay Mommy, isang beses lang daw niya narinig yung boses ko at sabi ko pa, “Susumbong kita sa Mommy ko!”. Naalala ko rin na palagi ako kinikiss nung teacher ko, favorite ata ako at ang cute cute ko kaya ganun. Hehehe. Pati noon, hindi ko alam kung ano ang tunay kong pangalan. Palagaing Queen ang nilalagay ko at buburahin naman ng teacher ko at magtataka ako kasi papalitan ng Christiana. Kaya kumonsolta ako kay Ate Star at tinanong ko kung ano ba talagang pangalan ko. Sinabi niya at inexplain ang lahat sa akin. Simula nun, alam ko na kung ano talaga at ‘di na ako naguluhan. :D

Sisters
            Nung Prep ako, lumipat kami ng bahay sa dating bahay nila Mommy kung saan siya lumaki. Kasabay din nun ang paglipat ko ng school sa Colegio San Agustin. Sinamahan kami ni Mommy nung first day of school naming dun. Napakalaking school pala yun. At kapag di ka tagaroon, malamang eh maliligaw ka. Hindi ko pa alam ang schedule ko nun kaya nag-antay kami ni Mommy para tumunog ang bell. Yun pala, sa haba-haba n gaming pag-aantay, bell pala pangtawag ng janitor yun ay. Hahahaha! J Nung malaman lama namin, tsaka palang kami nagpunta sa classroom ko at tamang tama kasi nandun ang adviser ko, at inexplain niya na lahat kay Mommy.

With Jack and the Beanstalk
            Nung Field Trip ko nung Prep, nanood kami ng play sa Greenhills. Jack and the Beanstalk pa nga yun. Tapos ang pogi pogi ni Jack kaya crush ko nun at nagpapicture ako sakanya after nung play. Kaso ang daming umepal. Dami naming nasa picture tuloy na dapat eh solo ko. Hahaha. :D Tapos nagpunta kami sa Super Ferry, first time ko nun sumakay ng barko pero ‘di naman nagalaw. Hehehe. Parang stop over lang naming yun. Kumain lang kami dun, nagpicture picture at umalis na rin pagkatapos. Napakasaya nung araw na yun.

After my Graduation (Prep)
            2001 nung gumraduate ako ng Prep. Si Mommy na ang nag-ayos sakin nun kasi daw kapag sa parlor o sa bading, gagawin lang akong kamukha nila. Mga halamang dagat! =)))

            Dun narin ako ag grade one hanggang grade four. Grabe! Ngayon ko lang narealize na every level, nagkakaroon ako ng bagong bestfriend. J Papalit-palit pala ako nun. Hehehe. Siguro kasi bata pa tas nawawalan ng communication dahil nagkakaiba ng section at hindi na magkaklase minsan mapupunta sa pang umaga tas yung isa sa panghapon.

            Nung grade one ako, si Jamie Yuri ang aking bestfriend nun. Magada, maputi at matalino rin siya tulad ko. ;) Siya ang vice presidet ng aming classroom. 

Ayan si Kaye
Nung grade two naman ako, si Kaye ang akig bestfriend. Maganda rin naman siya at may mahabang buhok tulad ko. Tapos yung seatmate naming si Keanu Gutierrez, palagi naming napagtritripan. Hahaha. Palagi naming yung kinukurot kaya ang daming sugat sa braso. 

Nung grade three, si Ericka Gilo naman ang aking BFF! :D Pinakamatalik na kaibigan ko siya. Super close kami. Beauty and brains pa nga siya eh. Siya lang naman ang top1 sa over-all top ten sa school. At nung sinabi niya sakin na pupunta sila ng Saudi at six years pa sila dun ay sobrang nalungkot ako. L Meron din akong bestfriends na lalaki nung grade three. Sila Justin Florida, JB Quinto at Mon (di ko na tanda yung last name :D) Seatmates ko kasi sila noon at palagi nila akong pinagtritripan kaya naman pinagtritripa ko rin sila. =)))) Meron kami ni Ericka na kinaiinisan na lalaki. Pano ubod ng papansin. Isang maitim na payatot, Smith ang pangalan. Pero may sakit yun, leukemia ata yun? ‘Di ko nga alam kung buhay pa yun? Hahaha! Basta palagi kami nun magkaaway at madalas pa nga naming tinatago yung eraser nun. Hehehe. 

Nung grade four naman ako meron kaming grupo, Angelz ang pangalan. Si Regine, Alyzah, Thea at Mari ang mga kasali at syempre pati ako. J Ah oo! Palagi kami u naglalaro ng ten-twenty. At kapag nag-aantay naman ng service, kalaro ko sila Criselle ng monopoly at minsan treasure hunting sa oval. Tuwing weekends naman eh palagi kaming nagtetelebabad nila Regine at Alyzah. Ewan ba kug anu mga pinag-uusapan naming nun. Basta apat o mahigit na oras kami kung magusap. Si Justin Calimpon naman noon ang pang asar nila sakin, pano ba naman palagi kami pinagtatabi ni Sir Micheal (yung adviser ko.) Si Earl John Ventocilla naman yung kalaro ko nun sa Ragnarok Online. Adik ako nun dati dun eh. Palagi ako nun binibigyan ng card na load sa R.O. worth one hundred pesos pa! May crush ata sakin yun e? :”> Hahaha. Si Karl Bayot naman, anak ng artista sa totoong buhay. Palagi rin yung nagpapapansin sakin sa classroom. Silang tatlo ang pinaka close kong boys sa room. Ngayon matured a sila at matagal ko nang hindi nakikita pero masaya naman ako dahil friends parin naman kami. Palagi ko nakakatext sila Keanu, Regine, at Ej. Sila Ica at Karl naman sa Facebook ko lang nakakausap.

Twinsis: Cheska
            Nung grade five ako, lumipat nanaman ako ng school. Sa Jesus the Risen Savior School – De La Salle Supervised. Oh haba diba, kahingal. Mejo mahal na kasi ang tuition sa CSA at hindi na praktikal. Adviser ko nun si Ms. Celia. Napakalusog na guro! :D Filipino teacher siya. Meron akong kakambal nun. Si Cheska Tablang. Pareho kaming new student nun at siya rin ang una kong nakilala. Konti lang kami sa room at isang section lang bawat level.



BFF: ANA
 
            Nung grade six ako, mas nagging close naming ang isa’t- isa. Sila rin kasi ang mga kaklase ko at walang new student. 17 lang kami sa classroom. Best friend ko nun si Ana Valencia, Xanuel Beatingo at ang English teacher naming si Ms. Sahara Onez. Wala natripan lang namin. J November 29, 2006. Hindi ko nakakalimutan yun ang day na nagging magbebestfriend kami. Si Ana ay sweet, masayahin at friendly kaya nagging close kami agad. Si Xauel naman ay napakaliit. Mas maliit pa sakin. Pero ngayon ay nuknukan na ng tangkad, di ko na mareach! J Tahimik lang siya pero kapag nakilala mo siya ng husto eh magugulat ka ng bonggang bongga! =)) Nasa loob kasi ang kulo (parang ako). Si Ms. Sahara ay favorite teacher namin noo. English major siya at magaling magturo. Ngayo ay may anak na siyang napakagwapong lalaki at nasa Mindano na ata. Btw, vice president ako nung grade six! 

Graduation: Grade 6
Gumraduate ako nun ng third honorable mention. Masayang masaya ako that time kasi di ko akalain na meron akong matatanggap na parangal. :) 



Cheska

  Nung Freshmen ako, mejo madaming nawala na classmate pero madami rin ang pumalit. Naging secretary ako ng klase at nung araw na yon… Dun ko nakilala ang aking kauna-unahang crush sa tala ng buhay ko. :”> Itago na natin siya sa pangalang PJ. :D Ewan kung ano akita ko sakaya, basta nastar struck ako nun parang nag slow motion lahat nung pagkakita ko saknya tas ngumiti pa siya sakin kaya naman ngumiti rin ako sakanya. Hihihi. Nagkaroon kami ng Acquaintance Party un. Niyaya niya akong sumayaw pero tumanggi ako. K ‘Di ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko kung bakit ayoko. Samantalang lahat ng babae dun eh nangarap na yayain ni PJ na isayaw sila. At parang disappointed siya nun. Pero palagi kaming partner kapag may class presentation.

ARMYONE
            Nung Sophomore ako, nagging 2nd Year level Representative ako ng SCB: Student Coordinating Body. Palagi kami ni Ana magkasama tuwing summer, nagpupunta kami ng Puerto Galera at namin ang Spongecola. Tuwang- tuwa ako kasi mejo favorite ko yun. Kapag exam naman ay dumederecho kami kela Ana. Kasama si JR Lorenz. Kami ang Power3! Nagmumovie marathon kami, nagsscrapbook at nagawa ng mga nakakabaliw na mga music videos. Nung second year din nabuo ang grupong “Armyone”. As in. Tiana, Jr, Mae, Yela, Aaron, Ana at Michel. Pero hindi rin nagtagal kasi nagkaaway si Ana at Mae. At hanggang ngayon ay magkaaway sila. K Ewan ko ba kung bakit. Pati nga sakin galit na ata si Ana pati kay Yela. Lahat naman kagalit na nun eh? Haaaaaaay!

            Nung Junior ako, lumipat kami ng San Pablo. Sa Dizon ako pumasok. Nagtitipid na rin kasi kami. Naiwan si Ate Star sa San Pedro kasi walang kasama si Lola. Si Krystal Gutierrez ang una kong nagging kaibigan. Siya kasi ang unang naglakas loob na lumapit sakin. Friendly siya at masayahin. Kalog pa! Si Jamica naman ang nagging seatmate ko kaya friends narin kami.

Tres Dalyas
            Nung Senior year naman, ay nalipat kami ni Krystal ng section. Dapat ay IV-B kami kaso ayaw namin ng panghapon kaya naman ay nagpalipat kami ng IV-E. Una namin ni Tal nagging kaibigan si Dustin kasi katabi namin. Palagi nga kami nagbabarahan eh. Sumunod naman ay si Polah. Kaming tatlo na ang palaging magkasama. Tres Dalyas pa nga ang tawag samin ni Gng. Audije eh. Magkakasunod pa kasi ang mga pangalan namin sa class record. Madami kaming trip. Mga “Window” na kami lang ang nagkakaintindihan at mga unfamiliar words. Basta palagi kaming tatlo masaya. Kapag matamlay ang isa eh matamlay na ang lahat. One for all, all for one. 
ME


            Kahit malayo na ako sa mga kaibigan ko sa JRSS, close padin naman kami at madalas akong dumadalaw sakanila. Si Michel Aquino, JR Lorenz at Alex Nicasio pati narin si Yela Quiacos ang mga kaclose ko. Meron kaming Secret Agenda.






ME again :)
            Napakabilis talaga ng panahon, parang kalian lang eh papasok palang ako tas ngayon ggraduate na SANA ulit ako. J Hindi ko pa sigurado ag kurso kong kukunin ko basta sa field ng Medicine. Oo, marami pa akong gusto. Chef, photographer o pilota. =)) Pero pinakagusto ko maging Pediatrician balang araw. 

            Nais kong abutin lahat ng iyan balang araw at kahit walang nakakaalam ng ating kinabukasan, pwede naman natin gawin na maganda ang ating kahapon. Have a good day! 

No comments:

Post a Comment