Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Krystal Ann G. Gutierrez, IV-E

Sino nga ba ako?
Tubong Arayat, Pampanga ang papa ko na napadpad sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Napangasawa niya ang mama ko na taga San Pablo, Laguna. Mahusay talaga ang papa ko pagdating sa pagluluto. Nakakaaliw ang love story nila. Isa kasing bartender ang papa ko noon at waitress naman si mama. Iisang restaurant lang ang pinagtatrabahuhan nila. Nakakatawa noon siguro si papa dahil talagang nagmamakaawa daw ito masagot lang ni mama. Lagi daw dinadalhan ni papa si mama ng special na eggpie. At hanngang sa mahulog na nga ang damdamin dito ni mama. Makalipas ang ilan taon ay nagpakasal na nga sila.

Sa kanilang masayang pagsasama ay nagkaroon sila ng unang anak na pinangalanan nilang Karen. Makalipas ang dalawang taon ay nagkaanak ulit sila, si Kathy naman. Tatlong taon (1995) ay ako naman ang isinilang, Krystal Ann ang pinangalan sakin. Dalawang taon ay ang ikaapat na kapatid naman namin na si Kim. Tatlong taon ulit ay ang bunso naman na si Keziah Collin.

        Noong nagdadalang tao pa lang si mama sa akin ay binabalak sana niya akong ipa-abort sa kadahilanang papunta na sana siya nun sa Taiwan upang magtrabaho. Alam nyo ba, sumakay pa talaga si mama sa roller coaster maalis lang ako. Hahaha. :D Niyaya pa daw niya yung tita ko na samahan siyang sumakay pero di siya sinamahan nito, kaya mag-isa lang siyang nahilo sa pagsakay don. :D Tapos nagtanong pa siya sa mga tita ko (kapatid ng papa ko) kung anung gamut sa pagpapa-abort. Binigyan siya ng gamut. Hindi niay alam na ang ibinigay pala sa kanya ay pampakapit. Hahaha. Nakakatuwang isipin, heto ako ngayo’t buhay. =)

New Year .. 2 yrs old
        Isinilang ako nung July 20, 1995, sa ganap na ika-9:30 ng umaga sa San Pablo City, Laguna. Kasalukuyang nakatira ako ngayon sa Fule Sahagun St. SPC. Ayun nga, Krystal Ann ang ipinangalan sakin. Wala naming dapat ipagsisi sa pagkakapanganak sakin. Mabait naman ako, masayahin, matalino, masunurin, tsaka may talento din naman. :>

        Noong bata pa ako, hilig ko talagang makipaglaro sa mga kaibigan ko. Kung anu-anong nilalaro naming nun. Minsan nga, gabi na, may libot nun. E naghihintay kaming magsimula yung libot, e ang tagal kaya naglaro muna kami ng tagu-taguan.Takbong takbo ako nun para makapag- save, nung malapit na ko biglang may sumalubong saking bata, natakbo din. Ayun nadapa ako. Hindi ako umuwi agad samin Natatakot kasi ako,kasi siguradong papagalitan ako ni mama. Dun ako dumiretso sa bahay ng kaibigan ko. Hinugasan niya yung sugat ko tapos sinabon tapos nilagyan ng gamot. Hindi alam nina mama na may sugat ako. Lagi akong nagkukumot para hindi makita. Ang sakit talaga nung sugat. Ang nakakainis pa, pumeklat! At hanngang ngayon ay narito pa din sa tuhod ko yung peklat! >.<


Napasok na ata ako ng Kinder nito. :>
        Unang pagpasok ko sa school. Kinder ako nun 4 yrs old lang ako nung pumasok. Si Mrs. Bondad pa nga yung teacher ko nun e. Tanda ko nun, napasok ako kahit hindi ako inihahatid ni mama sa school. Masipag kasi akong mag-aral. :) Palagi kong baon nun ay zesto at cheesecake. Tapos naging achiever ako nung pagtatapos na. After ng Graduation nung Kinder, nagkaroon ng swimming. Limot ko na kung saan. Hindi ako maalam lumangoy. Naaalala ko pa nun, edi tumalon yung classmate ko sa pool, maalam ata siya maglangoy, hindi naman malalim e. Nainggit ako, tumalon din ako. :) Muntik na kong malunod buti na lang nakaahon kaagad ako. :>

Grade II
        Enrollan na ng Grade I. Sa Central School ako gusto pag-aralin ni mama. Kaso hindi ako tinanggap, bata pa daw ako. 5 yrs old lang kasi ako nun. E 6 yrs old ang tinatanggap. Hindi nila alam na matalino ako kahit 5 yrs old pa lang ako. :) Kaya ayun, sa Fule Almeda na lang ako ipinasok ni mama. Second honor ako nung Grade I. Naging First honor na ako magsimula nung Grade II. Aktibong-aktibo talaga ako sa lahat ng gawain. Malimit akong makatanggap ng awards. Palagi akong sinasali sa iba’t-ibang contest ng paaralan namin. Kahit nga sa beauty contest e. :) Di ko makakalimutan nung Grade V ako, ako napili ng school namin para sa Mr. and Ms. Fule Almeda District. Pero talo ako. Di ko ginalingan, naawa ako sa mga kalaban ko e. Hahaha. :D Matalino talaga ako nun, Valedictorian nga ako nung Grade VI e. Akalain mo yun! :D

2nd yr sa Liceo. :))
        Highschool na ko. Sa Liceo de San Pablo ako ipinasok ng aking magulang. Pinakuha ako ng scholarship exam noong February 3, 2007. Nang nakita naming yung result, pasa ako! At half scholar pa. Hindi ko masasabing sobra sobrang masaya ang unang taon ko sa highschool.. Di ako masyadong nag-enjoy, marahil siguro ay masyado pang bubo tang isipan ko nun. Musmos pa ko kumbaga. Sobrang kabado talaga ako nung first day of school. Syempre mga bagong tao ang makakasalamuha ko, mga bagong mukha, bagong environment, bago lahat. Kailangang mag-adjust. Mahirap ding makibagay sa iba, kasi hindi mo alam kung willing din ba silang maging kaibigan ako. Pero mga ailing lingo ang nagdaan ay nakilala ko na yung mga masasabi kong totoo sa akin. Aral ako ng aral nun. Libro, bahay lang. Nagbunga naman ang aking pagtitiyaga. Naging Fifth honor ako nun at Best in Conduct pa. :) Second year na ko. Medyo masaya na ‘to. Medyo nagdadalaga na ko. Masayang kasama ang mga kaibigan ko noon. Hindi nakakaboring. Pero dumating yung time na gusto ko ng new experience. Kaya naisipan kong magpalipat ng school.

Dizon na ko napasok dito.
        Third year na ko. Ayun nga, lumipat na ko ng school. Dito sa Dizon High. Nung unang pasok ko dito, hindi ako masyado nasisiyahan. Namimiss ko kasi yung mga classmate ko sa Liceo. Pero makaraan ang ilang lingo, masaya na! Nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Sina Vj, Tiana, Wilyn, Razel, Jelyn, Angel, basta madami pa. Masayang seatmate si Vj. Walang araw na hindi ka niya patatawanin. Minsan nga, iyak na ko sa kakatawa gawa niya. Maraming happenings nung third year. Halos bawat araw masaya. Nung third year din ako , nakilala ko sina Amos. Barkada sila ni ate tapos ayun nagging barkada ko na din. Ang bilis ng araw, kasi parang dumaan lang ang sampung buwan ng ganun na lang. Tapos eto na agad, last stage na ng high school life. Fourth year na ko. Hindi ko na kaklase sina Vj. Tanging si Tiana na lang ang kasama ko. Pero nagbobonding pa din kami nina Vj at Wilyn. Nakakasama pa din naming sila. Meron pa kaming na-recruit ngayon, si Polah. :) Masaya naman ngayon. Madami ding kabaliwan ang nangyayari. :> Sobrang dali talaga ng panahon, parang kakapasok ko lang nung June tapos February na agad. Halos isang buwan na lang gagraduate na ko.

 Hindi ko na sasayangin ang mga nalalabing araw ko dito sa Dizon. Mamimiss ko lahat ang mga masasayang alaala ko ditto. :) Hindi ko kakalimutan lahat ng memories ko dito sa school na ‘to. Ngayon, masasabi ko na nasulit ko talaga ang HS life, sobrang saya talaga e. Hindi ko man nakwento lahat lahat, pero nakatatak na yun sa puso’t isipan ko. :)

Goodluck na lang sakin pag nag-college na ko. At kapag nakapagtapos na ko ng College, goodluck pa din sa magiging buahy ko. :D Sana maging successful ako at lahat ng makakabasa nito. Mwa. :** SALAMAT. =)

1 comment: